Anong sinabi ng Sinulog Festival sa Cebu sa Papal Visit in Manila last Sunday kung saan 6 milyong tao ang nagdasal, nabasa, nagsaya, nagtipon, nagsayaw, kumanta, at nagwalkathon! Suot ang pinakafashionable #OOTD ang mga black at transparent garbage bag at kapote lahat naging waterproof kahit mga gadgets!
(What’s Sinulog Festival in Cebu compared to the Papal Visit in Manila last Sunday where 6 million people prayed, got drenched in rain, celebrated, gathered, danced, sang and went on a pilgrimage. Doning the most fashionable #OOTD , the black and transparent garbage bag and raincoat, everyone became waterproof even their gadgets)
Bilib ako sa milyong Pilipino na nagtyaga, nagtiis at naging disiplinado at pasensyoso nitong ilang araw na pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.
(I am amazed with the million Filipino who were patient, diligent and disciplined during the past few days of Pope Francis in the Philippines)
Kahapon, Linggo, January 18,2015 ang huling pagmimisa ni Pope ay naganap sa Quirino Grandstand. Umabot sa 6 na milyong Pilipino ang dumalo at pakalat-kalat sa kahabaan ng Roxas Blvd at Taft Avenue. Nagaabang, naghihintay na masulyapan si Pope Francis.
(Yesterday, Sunday, January 18,2015 the Pope’s last Mass happened at the Quirino Grandstand. An estimate of 6 million Filipinos attebded and were scattered along Roxas Blvd and Taft Ave. Patiently waiting for a glimpse of Pope Francis)
Isa ako sa mga taong iyon.
(I was one of them)
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kung saan ako naging matagumpay at nagkaroon ng pagkakataon na masulyapan nasulyapan ng Santo Papa kahit isang saglit pero masayang masaya na ako doon.
(I don’t know how I got to where I had a successful chance to see the Pope but I was very happy for that moment)
Oo kikiam at chickenballs lang kinain ko. May baon naman akong trail mix saka Gatorade. Meron din akong powerbank, sunblock at lipglosss hahaha!
Akala ko kasi hihinto ang ulan kaya ayan lang dala ko. Wala akong payong o kapote man lang.
Akala ko rin maraming makakainan along Taft and Roxas Blvd wala pala sarado lahat. Yung mga bukad like McDonalds, Jolibee, Max at Aristocrat puno.
Akalain mo sa dami daming tao sa Roxas Blvd. nakita ko pa yung mga dating boss ko sa dyaryo!
Ang pinakanakakatuwa:
- Mataas ang pasensya ng nga tao (patience is a virtue) Ilang oras naghintay, nabasa, nagutom, naihi at nagpigil ng ihi, naglakad ngnpagkalayu-layo pero sige lang!
- Mababait ang mga tao at kataka-taka pero nakatutuwa na hindi nangamba sa kaligtasan ng mga kagamitan kahit siksikan ang mga tao. Wala akong nabalitaan na nadukutan o natakot na madukutan. Napakasafe maglakad ng kilome-kilometro nung araw na yun kahit madilim na ay di na alam ng karamihan saan sila naglalakad!
- Matanda, bata, may kapansanan o wala, babae , lalake o member ng third sex, mayamam, mahirap lahat pantay pantay naglalakad, nagaabang, nabasa ng ulan walang maaarte!
- Ang daming pulis pero di nakabantay sa tao kungdi kay Pope to keep him safe. Ganyan ang Pinoy hospitality, best foot forward to keep the visitor safe and have a happy and memorable visit even at the expense of the hosts basta masaya ant kumportable ang bisita.
May ilan na natatawa at pinagtatawanan ang ganitong “debosyon” ng mga taong nagsumiksik kahapon (6 million!) hayaan na natin sila basta tayong nakasaksi ng pangyayari masaya at magpatuloy na maging “blessing” sa mga taong nakapaligid sa atin. Sana ang Pope Francis effect will transcend even after his visit. The wind of change he brought with him regarding Catholic/Christian faith and practice is something the modern times needed.
Viva El Papa, Papa Francesco!
Totoo, masilayan lang ni Pope sumisigla, lalong sumigla. Kahit na walang tigil ang ulan at di man lang nasilayan ang araw, si Pope Francis ang nagmistulang araw noong araw na iyon na pinagalab ang puso ng bawat Pilipino sa kanyang mga aral at kabutihan. Kitang kita ko iyon sa 35 segundong nasulyapan ko siya! Kahanga-hanga!
(It’s true, Pope’s presence got people energized. Even with the non-stop rain and the sun did not even peek, Pope Francis was the ray of sunshine that day, he set the Filipino hearts ablaze because of his lessons, kindness and compassion. I saw that in the 35 seconds I had a glimpse of the Pope. Amazing!)
Ikaw, nakita mo ba si Pope Francis? Kamusta naman ang experience mo? Kwento naman jan!
P.S. may mga tao talagang may masasabi ng masama at maghuhukay ng baho kahit na napakatagal na yun at iba na at marami nang mas maganda kang nagawa sa buhay mo at sa kapwa mo. Please Pray For Me the Pope Francis keep asking everyone. Please pray for each other.
Stay gorgeous everyone!
2 Comments