Nakakaiyak na Pagsasawalang Bahala at Kakapalan ng Mukha

(For my English readers excuse me for this post as I will write it in my native language because this is something I want to express in my own language.)

Hindi ko maintindihan pero nasaktan ako at naiyak habang pinapanood ko ang pananawagan ng mga impeachment congressman sa pagdinig kanina kaugnay ng impeachment complaint laban kay Gloria Macapagal-Arroyo. Hanggang ngayon masakit parin ang dibdib ko, ganito na ba kagahaman ang mga mambabatas natin ngayon na wala na silang pakialam sa mga mamamayan kungdi sariling interes na lamang nila?

Hindi kaya sila binabagabag ng kanilang mga konsensya? O dahil sa katotohanan mas mahigpit ang pangangailangan nila kaysa sa taong bayan at sa sarili nating bansa? Nakakalungkot.

Alam nila ang katotohanan lalu na si Macapagal-Arroyo, makapal talaga ang mukha. Ganun talaga kasi pag sanay sa kasinungalingan hindi na naapektuhan. Hindi ba’t kilig na kilig pa sya sa dasal noon para sa kanya na palawigin pa ang kanyang termino lagpas sa 2010? At nabuking rin ang kanilang plano na palawigin ang kanyang termino at termino ng lahat ng mga nanunungkulan dahil sa isang resolusyon na inihain sa Kamara na hanggang 2011 pa daw sila.

Mga gahaman! Ang kakapal ng mukha ninyo, hindi pa man kayo namamatay sinusunog na ang mga kaluluwa ninyo sa impiyerno. Mapagsamantala kayo. Darating din ang araw ninyo. Magpakasaya na kayo ngayon dahil pag nagbago ang ihip ng hangin maaring pati ang Diyos hindi na kayo mapatawad at pati impiyerno isuka na kayo.

Read more about this here.

11 thoughts on “Nakakaiyak na Pagsasawalang Bahala at Kakapalan ng Mukha

  1. Haay naku! kaya nga ako di na lng nanunuod ng TV dahil sa mga news na ganyan! wala ng bago eh! kng di patayan, kurakot ng mga nasa posisyon!

    Instead of pointing and pointing, di nlng sila humanap ng sulosyon sa problema natin.. sabagay, di sila makahanap kaagad, paano ba nman sila ang numero unong problema eh! juiCe kO…. tawa nlng taU! LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to Top