Home & Family, Investment/ Finance

Sa Php1,800 a Month Magkakaroon ka na ng Sariling House and Lot sa Bella Vita Homes #SaktoSayo

Hindi ka namamalik mata or niloloko ng ads, tama ang basa mo, sa Php1,800 every month magkakaroon ka na ng sariling house and lot.

Noong isang araw lang nag-tripping kami sa property ng Bella Vita Homes sa Laguna, nakabisita na kami dati sa isa pa nilang project sa Cavite noon, maganda sha at maayos yung komunidad. May open parking na first come first served, basketball court, playground at secured with guards 24/7.

Bellavita

Magaganda rin yung mga bahay, maliit pero sakto lang sa maliit na pamilya at sa nangangarap na magkaroon ng maayos at sariling bahay at lupa. Hindi sha katulad ng ibang socialized housing projects na dikit dikit yung mga bahay na parang sardinas.

Ang style nila sa Bella Vita Homes ay duplex style. Dalawang bahay lang ang magkadikit tapos madaming lote sa paligid, pwedeng mag expand, pwede ring gawing garahe, or garden or tindahan (kung Gemeri unit ang bibilhin). Pwede ka ring kumuha ng joined unit na bahay kung may extra ka pang pera.

Bellavita

Ang pricing sa bahay at lupa depende sa uri ng unit at kung saan ito matatagpuan sa subdivision.

Poli inner :
Floor Area : 22sqm
Lot Are: 36sqm
Price : Php450,000
Reservation fee: Php3,500

Poli end:
Floor Area: 23sqm
Lot Area: 50sqm
Price: Php650,000 – Php900,000
Reservation fee: Php5,000

Gemeli:
Floor area: 24sqm
Lot area: 60sqm
Price: Php900,000 – Php1,200,000
Reservation fee: Php5,000

Eto yung picture ng itsura ng bahay kapag maganda yung pagkakagawa ng interior, sample lang yan pwedeng gayahin or mas maganda pa gawin nyo.
Bellavita

Eto na yung pabahay na sakto sa’yo dahil narin sa :

  • Sakto sa location – malapit sa Metro Manila madaling pubtahan, accessible sa mga public transport.
  • Sakto sa bulsa – ang payment terms pwede via pagibig, bank, cash, deffered cash (23 mos) mas mataaas monthly) , inhouse, Cebuana Lhuillier, at b
    BPI banks unit
  • Sakto sa Taste mo – simple ang design, ikaw na bahala sa interiors bare unit sha na ituturn over sa iyo,. Maayos ang amenities tulad ng nabanggit ko kanina sa itaas .
  • Sakto sa Family safety – ang construction ay gawa ng MDC BuildPlus na may one year warranty, may 24 hour security din. At Ayala Land property sha.
  • Sakto sa gusto mo – may mga okasyon at workshop at activities sa clubhouse para magkakilakilala ang mga kapitbahay, pero may sapat din privacy kasi nga di dikit dikit ang bahay duplex type sha na may space.

Para mag-inquire o para sa iba pang tanong sa mga location ng Bella Vita Homes vist their Facebook page here https://www.facebook.com/BellaVitaLandCorp/.

Share Your Thoughts Here