Earthlingorgeous For President

Tagalog muna tutal sa Pilipinas naman ako “tatakbo” eh.  Nyahahaha.

So, ka-level ko na sina Tim Yap,  Chuvaness , DJ Mo Twister, at Enrique Razon  sa target nung blogger na gumawa ng Jamby Madrigal for President in 2010.    Ako kasi ang pinakahuli nilang post at sobrang foul ang mga salita na ginamit para atakihin ako.   Mahina kasi ang kanyang argumento kaya dadaanin nalang nya sa personalan. Tatakbo ba ako para birahin niya ng ganyan?   Ibig sabihin sikat na si Earthling, Earthlingorgeous.  Pwede na akong tumakbong Presidente?

Ngayon ang nakakatawa ang daming sumasawsaw.  Di pa nababasa ang buong istorya may komento agad.   At doon naglabasan ang alagad ni Fuuma LeyAr ang iba doon nasa likod ng gumawa ng blog na iyon at ang isa doon na isa rin sa mga taong may personal vendetta daw sa akin.   Akalain mo pati personal plurk ko pinapa-ispyan at hinihingan ng screnshot.  Panalo!

Ang IP nung nagpapanggap na sya daw ung gumawa ng Jamby Madrigal for President in 2010 ay 203.177.208.229 at ayon dito sa IP Tracker ito ay naka rehistro sa pautangan na BAHAY FINANCIAL SERVICES INC. na nakabase sa Pasig.  Hala ka bakit ka di nagtatrabaho at kung anu-anong kalokohan ang ginagawa mo.  Petiks yan.

At ang makasaysayang buddah beads na pinamudmod noong libing ni Cory pinamudmod nya rin yan nung tumakbo sya sa Senado, kaya sinong niloko nyo eh tauhan din kayo ni Jamby.  O ayan pinasikat ko na ang website nyo ha.

IP of Jamby Madrigal for President in 2010

Basta Eleksyon 2010 Na! Tatakbo Ka Ba? Basta ako tatakbo ako!

Here's something else you can read

8 Comments

  1. @Yami matindi talaga dito mo nakikita ang politika nasa blogging din. Kaloka! Hindi ako makakatakbo sa fun run kasi may bitbit akong bata at matanda manonood lang ako.

    @ Topaz Horizon ahahaha naku salamat pero naku baka maranasan ko pa ang mas matinding pangyurak ng pagkatao ko pag tumakbo ako sa totoong buhay, pass nalang ahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.